Featured

Dinampot na ng Pulis ang Organizer ng Miss Planet International | Herlene Budol Nag Withdraw na!

Thanks! Share it with your friends!

You disliked this video. Thanks for the feedback!


Added by
113 Views
Dinampot na ng mga pulis sa Uganda ang director ng Miss Planet International na si Monica Akech. Ito ay kinumpirma mismo nina Miss Italy at Miss Portugal. Ayon sa kwento ng dalawang kandidatang ito, isang linggo na daw silang naka tengga sa Uganda at nagulat nalang sila nang biglang hinold ng tinutuluyang hotel ang mga passport nila. Ito pala ay sa kadahilanang hindi binayaran ng Miss Planet International Organization ang hotel. Kaya't tumawag na sila ng mga pulis. At agad-agad ay dinampot ang direktor na si Monica.

Kanina ay nagpost naman ang Miss Planet International sa official facebook page nila at sinabing hindi daw totoong cancelled ang competition. Tuloy na tuloy daw ang pageant sa Uganda. Gaganapin ang preliminary sa martes at ang coronation night naman sa sabado.

Kaya lang kagabi pa kinumpirma ni Wilbert Tolentino na wini-widthraw na niya si Miss Planet Philippines Herlene Budol sa nasabing beauty pageant. Maraming mga pinoy fans tuloy ang nakikiusap kay Wilbert na sana daw ay ituloy parin nito ang laban ni Herlene tutal ay nasa Uganda narin sila at gumastos narin ng malaki.

Post your comment

Comments

Be the first to comment